Kagabi, ‘di ko pinansin nanay ko.

Nandito na kami!” Dumating sila galing Baguio ng kapatid ko, sinamahan niyang mag-apply sa school doon na nag-oofer ng Vet. Med. “Rael, nandito na kami…” Tinitigan ko lang siya, ‘di ako umimik.

Kumakain na kami noon ng hapunan, kasama si bunso, si dadi, si ate at yung anak niya. Sabi ng dadi sunod na lang sila kasi patapos na kami.

Bakit ‘di ko siya kinikibo, kasi noong paggising ko, wala siya, ‘di ako sanay ng ganun. ‘Di siya nagpaalam sa akin, ‘di niya sinagot tawag ko at text ko. Malungkot ako paggising ko, wala siya nung kailangan ko siyang yakapin.

Pero kaninang umaga, bumawi siya, alam niyang nagtatampo ako. Ginising niya ako at niyayang kumain. Ipinagluto niya ako ng tatlong pancit canton na hot en spicy na may halong dinurog na red egg. Marunong maglambing ang nanay ko, kaya mahal na mahal ko siya. Pagkatapos kong kumain, niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi kahit na mamantika bibig ko, saka siya tumawa. “Pasensya na anak wala ako kahapon paggising mo, nanay din ako ng kapatid mo, kailangan niya ako kahapon eh, sorry anak ha?

I love you mommy mokong ko! :’)

84 notes | 02 - 25 - 12 | Tumblrrmokong ®

blog comments powered by Disqus
  1. imyourbabyblueeyes said: sweeeeet :”> kaingit langs ! XD
  2. gutomjones said: awwww :”>
  3. what-a-crazy-world-we-have reblogged this from tumblrrmokong
  4. emptyglassofjuiiiice said: sweeet! :”>
  5. viney23rd said: SO SWEET… ^_^
  6. currently-i-n-l-o-v-e reblogged this from tumblrrmokong
  7. akiarnigo said: Kung ganto lang ang nanay ko. Pagmamahal palang niya, tiba-tiba nako :)
nuffnang

mokongs

free counters

Activated: October 4, 2011