Day 3.

Tumatakbo pa rin siya sa isip ko, siya pa rin ang huling taong iniisip ko bago matulog at siya pa rin ang unang pumapasok sa kukote ko pagkagising. “Rael, may ash tray naman doon oh, ikaw pa bumili nun, gamitin mo kaya kasi madami akong winalis na abo kanina, nakakaloka ka!” Comment ‘yan ng nanay ko habang umiinom ako ng malamig na tubig kanina. Pasaway ako eh, uminom ulit ako kagabi, at syempre nagyosi na naman. Akala ko mas madaling lumimot ‘pag ganun, pero mas lalo lang pala haha! Narealize ko rin na mapapagalitan ka pa ng nanay mo ‘paggising mo dahil sa mga kalat mong abo.

*Sigh*

Naligo ako, pinunas ko ang mukha ko ng twalya, pagkapikit ko, mukha na naman niya bumantad sa akin. Kailan ba siya mawawala sa isip ko? Lagi na niya kinakalikot ito. 

*Second sigh*

Pero nag-eenjoy ako, kasi siya lang iniisip ko sa ngayon eh, hanggang ngayon. Masaya pa rin ako kasi hindi siya nawawala sa isip ko.

*Third sigh*

15 notes | 02 - 26 - 12 | Tumblrrmokong ®

blog comments powered by Disqus
  1. neilikha said: tama na kasi.
  2. tumblrrmokong posted this
nuffnang

mokongs

free counters

Activated: October 4, 2011