Sayang, wala na si Deniese.

Hehe. Hindi ko talaga inaasahan na matatanggal siya kagabi sa PBB. Takte, avid fan ako ng PBB Unlimited dahil sa kanya. Ibinoto ko pa siya noon nung nanominate sila ni Wendy, tapos mafo-force evict lang siya kagabi. Haha!

Kasalanan din naman kasi niya, sayang siya lang ‘yung nakikita kong pwedeng maging isa sa mga big 4 o big winner, parang wala namang sense ‘yung iba (sorry sa fans nila). ‘Yung si Tin naman kasi mayaman, kaya maraming text votes, hehe, si Pamu puro nakikipaglampungan lang kay Kevin, si Slater, ano nga ba si Slater, pogi lang naman, hehe. Si Biggel na nakakairita, si Carlo, ah, bakit nga ba nandun pa siya sa loob? Si Divine, hmm, pwede kaso bulol. Si Paco na lang kaya? Haha. Kaso wala na siya.

Sana ibalik pa nila si Deniese. Haha. Wala nang masaya sa loob eh. :’(

k, pbb, tae naadik ako,
56 notes | 02 - 26 - 12 | Tumblrrmokong ®

blog comments powered by Disqus
  1. kapitanawesome said: AW
  2. nedelicious said: malay mo may wildcard chuchu ulit sila. babalik pa si denisse wag kang mag-alala. babalik pa siya para mahalin ka. hehehe
  3. harbilog said: pakshet talaga T.T
  4. yosilangpo said: Wala ng bakla . >_<
  5. misskatrinarose said: Parehas tayo!
  6. dexterdeterminado said: Sana gawin ding house player si Deniese. Haha
nuffnang

mokongs

free counters

Activated: October 4, 2011