P 10.00

Meh, pengeng sampung piso pamasahe ko, wala akong barya…” Kanina, wala akong kabarya-barya, maski dito sa shop, hirap kami sa barya. Saan ba nagsususuot ang mga putakteng barya na ‘yan?

Pero hindi ‘yun ang gusto kong ipunto, lahat kasi ng i-ask ko sa nanay ko, meron siya. “Meh pengeng biogesic, meh nasan ‘yung tsinelas ko, meh bakit iisa lang pares netong paborito kong medyas, meh anong hapunan, meh pengeng textmate, meh nasan ‘yung charger ko, meeeehhhh walang tubig sa showeeeeerrrrr!” Lahat na lang halos sa kanya ko tinatanong, plain hosewife kasi ang mommy mokong ko. Isa siyang teacher, pero noong ipinanganak ako, nagdecide na sila ng dadi na sa bahay na lang siya para may mag-alaga. Pero nung high school nagkaroon siya ng business at medyo napabayaan niya ako kaya ako naging hunghang ngayon, haha.

Bakit kaya napakamakapangyarihan niya? Bakit lahat kaya niyang i-provide, ibang klase siya. ‘Di ko kaya mga ginagawa niya. “Meh, pano ba ‘tong washing machine na to, anong pipindutin ko?

Natatakot ako na one day mawala na siya, hindi pa man din ako madalas magsabi ng I love you sa kayna. Hindi ko madalas ipadama na mahal ko siya, samantalang siya lubos kong magpadama.

I love you mommy mokong ko! :’)

40 notes | 02 - 26 - 12 | Tumblrrmokong ®

blog comments powered by Disqus
  1. ekasitangaako said: Bigla ko tuloy namiss mommy ko. :(
  2. nedelicious said: Sana nababasa ng Mommy mo toh.
  3. apictureofus reblogged this from tumblrrmokong
  4. alysalala said: Sweeet :”> Sana lahat ng lalaki ganyan sa Mommy nila :D
  5. engineerchinito said: answeet :D
  6. peyypeyybangis said: Awwwwwwwwww :”)
  7. tinyworm said: Sweet :”)
  8. tumblrrmokong posted this
nuffnang

mokongs

free counters

Activated: October 4, 2011