Kwentong Mokong: Uniporme

Nagsisimula na ang araw ng iba, papatapos pa lang ang sa akin…

Isa akong nursing student sa umaga, araw-araw kong isinusuot ang puting uniporme ko. Pakiramdam ko napakalinis ng itsura ko kapag suot ko ito, kasama ng puting medyas, puting sapatos, puting jacket at pati bag ko, puti rin. Oo, simpleng nursing student ako sa umaga, kagaya ng iba, nakikhalubilo rin ako sa mga kaklase ko, nakikiapagharutan, kumakain sa cafeteria, tumatambay sa computer lab., at kung anu-ano pang gawaing buhay-estudyante. Tama, nursing student ako sa umaga, suot ko ang puti kong uniporme, suot ko hanggang gabi. Nursing student ako sa umaga, call boy sa gabi.

Rael, bumalik ‘yung parokyano mo, kita raw kayo sa Prime Hotel mamayang alas-sais, huwag mo raw siyang paghihintayin…” Text ‘yan ni Sally, ang bading na nambubugaw sa akin, ipinakilala siya sa akin ng classmate kong kagaya ko ay call boy din sa gabi. Pagkabasa ko nito, agad akong tumungo sa Prime Hotel, at pumunta na ako sa kwarto niya. Sanay na ako sa ganitong routine kasi palagi kaming nagkikita sa tuwing pumupunta siya ng Baguio.

Eto cellphone, maawa ka naman sa cellphone mo oh, nagmamakaawa na siyang palitan mo na, kapag inalis mo ‘yang lastiko niyan tuluyan na ‘yang masisira. Sus!” Binibigyan ako ng Chad ng cell phone, matagal na niya akong bigayn ng ganito, pero di ko tinatanggap.

May asawa si Chad sa Maynila, higit trenta anyos na siya, pero wala pa silang anak. Sabi niya, ako raw ang lover niya kapag umaakyat siya ng Baguio, pero ayokong ma-aatach sa kanya. Tama na ‘yung bayaran niya ako para may pantustos ako sa pag-aaral ko. Nagugulat din ako minsan kapag may laman ang ATM ko pero ‘di naman nagpapadala ang dadi, nakuha niya ang acct number ko kasi minsan doon niya ipinadaan ang bayad niya sa akin dahil wala siyang cash. Mayaman si Chad, kayang-kaya niya akong pag-aralin pero tinanggihan ko ang offer niya.

Wow, bagong cell phone ah?! Bigay ng parokyano mo?” Kinuha ko rin ‘yung bigay niyang cell phone, tama siya, sira na kasi ang cellphone ko. Madalas akong tawagan ni Chad, nakikinig ako kapag nag-aaway sila ng misis niya, pero hindi ako masyadong nagsasalita, ayokong namang dumamay pa, ayokong mahulog pa lalo loob niya sa akin.

Manganganak na ang misis ko, sa June. Rael, may anak na ako!

Pagkasabi nun ni Chad, dumistansya na ako sa kanya, tinapon ko yung sim na naka-plan na bigay niya sa akin para hindi na niya ako ma-contact, pinakiusapan ko rin si Sally na huwag na akong ituturo kay Chad. Ayokong ako ang maging sanhi ng pagkawasak ng pamilya ni Chad, ayokong malaman ng asawa at anak niya na niloloko niya sila kasi alam ko ang pakiramdam.

Sana hindi ko na lang nilayuan ‘yung customer ko noon ate, sayang hindi sana tayo mas mahihirapan ngayon sa pag-aaral ko, pag-aaral natin. Nangako siyang pag-aaralin ako.” Nahirapan kami sa pinansyal na aspect noong third year ako, pero pinagpatuloy ko pa rin ang pag-aaral ko. Isinuot ko pa rin ang puti kong umiporme sa umaga, at suot ko pa rin hanggang gabi.

Nagsisimula na ang araw ng iba, papatapos pa lang ang sa akin…

moksi,
17 notes | 02 - 26 - 12 | Tumblrrmokong ®

blog comments powered by Disqus
  1. tumblrrmokong posted this
nuffnang

mokongs

free counters

Activated: October 4, 2011