Bisyo
”YOSI”
Pampamanhid ng naninikip na kalooban
“ALAK”
Para makalimot sa problemang masalimuot
“PULUTAN”
Bumubura sa pait ng bawat pagtagay
“SOUNDS”
Magpapadaloy ng luhang hindi naipagpatuloy
Kahit bisyo man sila sa paningin ng iba, KAIBIGAN ko sila sa panahong hindi ko na kaya, lalo na kapag wala ‘yung mga kaibigan mo para kumalinga.
Kapag wala kang kaaway, wala kang mabigat na problema, at kapag nagising kang alam mong may nagmamahal sa’yo at nag-aalala.
Bati na kasi kami ng mga binalahura kong mga kaibigan ko. =)
Laseng
Pano ako batiin ng mga madalas kong kausap.
MAG-KUMPARE NAGUUSAP:
Hey wait…
Eewy naman nung nilagay mong GIF.. Follow me Tumblr Mokong. :))

The person in the gif is very very close to me/my heart. I consider him as one of my best friends. When you say “eewy”, you mean “kadiri” right? I don’t find anything gruesome sa gif na ‘yan. And by the way, huwag mo akong utusan na i-follow ka. Hindi mo ako utusan. Uminit tuloy ulo ko. Pinalabas mo ang pagiging masungit ko. Hmp.
Haliparot pt.3
Haliparot!
Kwentong Mokong: Telebers
Ang nabuo kong barkadahan dito sa tumblr. Nabuo kami dahil sa common interest which is obviously tumblr, at dahil na rin siguro nagkakaintindihan kami sa kung anu-anong mga bagay.
Damayan kami sa kahit anong klaseng problema, be it love life o personal life. Kung anu-anong kuro-kuro ang mga pumapasok sa isipan nila, para lang mapagaan at matulungang maresolba ang dinadala ng bawat isa.
Pero dumarating din sa punto na mismong yung grupo na ang nagkakaproblema. Well, hindi talaga maiiwasan iyon sa kahit anong uri ng relasyon. Hindi dapat pinupunan ng atensyon ang problema ng grupo, ang pagtuunan ng atensyon ay iyong aral na mapupulot natin mula rito.
Masarap nga raw iyong may konting awayan eh, kasi dun mo nasusukat kung hanggang saan ba talaga ang katatagan ng isang relasyon. Kung magpapadala ka sa lamat, lalaki talaga ito, pero kung susubukin at gagawin mong pigilin ang paglaki ng lamat na ito, iyon ang mahalaga.
Alam kong mayroong feeling muna ngayon ng pag-iwas at paglayo, pero alam ko rin namang magbabalik kayo. Ramdam ko yun.
Mahal na mahal ko kayo, cheesy na kung cheesy, pero totoo. Hindi niyo lang alam kung pano ninyo binago ang buhay ko. Hindi niyo alam kung pano akong naniwala na sa kahit ganitong paraan, may malalim na friendship ang sisilang. To Pierre, Kiefer, Robin, Robert, Cris and Jayson, maraming maraming salamat sa inyo. Salamat sa Panginoon dahil nakilala ko kayo.




